July 28th, 2005 by tonyo-cute
yo mga dude buhay pa ko hehehe…sarap sana magkwento kaso nabura yung mga ikukuwento ko bwahahahaha ang ogag talaga ni tonyo hehehe…neks time na lang mga brader at sister hehehe
mahimlay kayong lahat! hehehe ibig ko sabihin mamahinga sumandali bwekekekekek
Posted in Weblogs | No Comments »
March 7th, 2005 by tonyo-cute
testing 1,2,3…hello hello? are you there party line? hehehe pers time ko mag blogs at medyo nangengeneg pa ko sa tuwa!!! yihee para akong naiihe na di ko maintindihan. dati rati nagbabasa lang ako ng mga blogs at pa-comment comment sa mga peyborit kong bloggers, ngayon isa na din akong blogger?!? e pers time ko nga eh pwede na ba kong tawaging blogger? una sa lahat gusto kong batiin at magbigay pugay sa mga peyborit bloggers ko. una sa lahat syempre ang di matawarang si unkeyl batjay na phiilppine blog awardee, ang matalino pero rock na si jobarclix, ang very creative na si noringai, ang magdodoktor na si roni_bats, at sa iba pang naka add sa aking peyborit sites. enihaw ika nga ng aking hiskul prend na si france, it’s gud to start my own blog. though i’m not really into writing e merong kumikiliti sa isip ko na magblog blogan just to share what’s in and out of tonyo’s life hihihi…
a little background about tonyo: happily married. with 2 kids. skolar ng maynila. pransiskan. cute. chubby. kalbo. matangkad. cute ulit. badminton. bebe sitter. blog fanatic. wishing to be a photograper. cute ulit. happy person. happy sa work. happy sa family. happy sa lahat. walang masamang tinapay. lahat friends. cute ulit. ah basta generally si tonyo cute un na un hehehe.
to start this blog, ayos eh no to start pa lang pala e ang dami ng pinagsasabi hikhikhik. umpisahan natin nung payat pa ko? medyo matagal tagal at mahaba habang typing un ah?! ah umpisahan natin today. tama today. happy day today lacky kulur rid hehehe parang si madam rosa sa teysi ng tahanan hehehe. potah ang labo ko na. sige sige eto na. well basically, im very happy today coz my family is doing good. everyone is healthy and all of us are grateful to mama and papa, because they gave us a brand new 21" philips tv hehehe. naawa kasi sila sa amin kasi sa dati naming tv ang liliit ng mga tao sa screen, ngayon ang saya saya hindi na maliit na tuldok ang mga tao maliking tuldok na hihihi.
mag oone month bertdey na nga pala ang 2nd bebe kong si ashley laurice sa march 9. bilang tradisyon may handa syang cake at pansit hanggang mag isang taon na siya. siguro magiging relihiyosa ang batang yun at magiging mahusay na business chick kasi pinanganak siya ng ash wednesday waw sana maging palasimba tapos sabayan pa ng chinese new year waw yaming. sana lang wag syang lumaking kolokoy tulad ng daddy niya hehehe. magblog din kaya siya paglaki niya? siguro di na uso ang kompyuter sa generation niya noh? lahat ulit ng noypi nurse na hihihi. well i just hope na maging mabuting tao sila ng kuya luiz niya para hindi naman masayang ang pagod at puyat namin ni liezl sa madaling araw pagpapalit ng diaper at pagtimpla ng gatas nila. parang kanta ni ka freddie aguilar.
siguro eto na lang muna ang bilang panimula kasi magaalas dos na ng madaling araw e may tinatapos pa rin akong report. trabaho na yata ang magiging mistress ko hihihi kayod kalabaw na naman si tonyo yiiiheeeee tonyo kalabaw…cute na kalabaw.
Posted in first time to blog | 11 Comments »